YUNIT I: MGA KONSEPTONG PANGWIKA
- Aralin 1: Wika, Komunikasyon, at Wikang Pambansa
Sa araling ito, ang aming natutunan ay ang Wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog. Ang wika ay napakahalaga dahil ito'y yaong nagbubuklod at sumisimbolo sa pagkaka-ugnay at pagkakaintindihan ng nakakarami. May mga daloy ang Wika - tunog, simbolo, kodipikadong pagsulat, galaw, at kilos. Nahahati sa dalawang kategorya ang wika: pormal at di-pormal. Napapahalagahan ang gamit ng wika sa pakikipagtalastasan at ugnayan sa kapwa, paaralan, at pamayanan. Dahil sa konseptong pangwika naiuugnay ito sa ating sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.
Ang komunikasyon ay isa ring pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan. May mga antas rin ito - intrapersonal, interpersonal, at organisasyonal. Maliban sa antas, may tatlong uri rin ang komunikasyon ito'y komunikasyong pagbigkas, komunikasyong pasulat, at pakikipagtalastasan sa pamamagita ng kompyuter.
- Aralin 2 : Unang Wika, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo sa kontekstong Pilipino
Isang lingguwistikong realidad ang pagkakaroon ng maraming wika. Batid ko sa araling ito ay ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ang Wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika ito ay Sugbuanong-Binisaya, Iloko, Kapampangan, Panggasinan, Samar-Leyte, Maguindanao, Tausug, Tagalog, Kastila, Ingles, at Tsino.
Ang Wikang Ingles ay dinala ng mga mananakop na Amerikano at batid ko'y ipinalaganap ito sa publiko. Batay sa aking natutunan, Ang unang yugto ng Wikang Tagalog ay pinangalanang Wikang Pambansa. Ginawa naman ang isang pang-akademikong asignatura ang ikalawang yugto ng Wikang Tagalog. Mayroong tatlong bilingguwalismo - Unang Bilingguwalismo, Ikalawa Bilingguwalismo, at Ikatlo Bilingguwalismo. Wika natin ay isang dinamikong nahuhubog at humuhubog sa mga kasalong wika. Sa madaling salita, realidad ang tinatawag na multilingguwalismo sa ating bansa.
- Aralin 3 : Lingguwistikong komunidad at uri ng wika
Batid natin na ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makakapag - ugnayan ang bawat isa. Napagbubuklod ng wika ang grupo ng tao dahil nagkakaintindihan sila at nagagampanan nila ang kani - kanilang tungkulin upang maging kapaki - pakinabang ito hindi lamang sa sarili kundi para sa lahat.
May tatlong salik ang lingguwistikong komunidad - May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba, nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito, at may kaisahan sa pagpapahalaga at paglagay hinggil sa gamit ng wika.
Iba pang natutunan namin ay ang Homogenous na kung saan nagkakaintindihan sila sa tuntunin nito at naibabahagi ng bawat isa ang parehong pagpapahalaga at damdamin. Halimbawa nito ay ang sektor, grupong pormal, grupong impormal, at yunit. Samantala, ang Heteregoneous ay marami ang mga wika o samot - sari dahil sa multikultural nating katangian,, identidad, at pinagmulan.
Batid ko'y may apat na uri ng wika ito ay ang sosyolek, idyolek, diyalekto, at rehistro. Ang Sosyolek ay uri ng wika na nilikha at ginagamit ng isang pangkat. Ang Idyolek naman ay natatanging espesipikong paraan ng pagsasalita. Diyalekto ang uri ng pangunahing wika at ang huli ay Rehistro nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot sa komunikasyon.
- Aralin 4 : Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang Filipino bilang Wikang Global
Hindi natin maikakaila na ang wika ay ang siyang nagbibigay ng buhay sa isang lipunang ginagalawan. Mahalaga ang wika sa ating sarili, sa kapwa, at lipunan. Ang wika ay maituturing na tagapag - ugnay ng mga tao na bumubuo sa isang tiyak na lipunan.
Baybayin ang unang ginamit ng mga Katutubong Pilipino noong sinaunang panahon. Batay sa ating natutunan, ang baybayin ay naglalaman ng 17 na simbolo na kung saan ay 14 na katinig at 3 pantig.
YUNIT II : MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
- Aralin 1 : Bilang Instrumento
Malaki ang ginagampanan ng wika sa buhay ng tao. Ito ay may iba't ibang gamit sa lipunan na nakatutulong sa tao upang mabisang makipag - ugnayan o makipagtalastasan sa kaniyang kapwa. Ang natutunan namin ay ang Instrumental ay ang pagpapahayag ng damdamin, panghihikayat, direktang pag-uutos, at pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman. Ginagamit natin ang wika para magpahayag hindi lamang ng mensahe kundi ng ating saloobin. Batid namin si Prospero Covar ay ang nagsasabing magkaugnay ang loob, labas, at lalim ng ating pagkatao.
Makapangyarihan ang wika para hikayatin ang mga tao na kumilos o gumanap at tupdin ang tungkulin. Bigkas - pagganap ang tunog sa paggamit ng wika ng isang tao upang paganapin at direkta p di-direktang pakilusin. May tatlong kategorya ang bigkas - pagganap - Lokusyunaryo, Ilokusyunaryo, Perlokusyonaryo.
- Aralin 2 : Regulatoryo
Ang ating lipunan ay binubuo ng mga institusyon tulad ng paaralan, edukasyon, pamilya, simbahan, industriya, at pamahalaan. Ang aming natutunan sa Regulatoryo ay ito'y nagbibigay - direksiyon sa ating bilang kasapi, nag-uutos, at nagtatakda. May tatlo ring klasipikasyon ang wika ito ay berbal, biswal, at di-nasusulat na tradisyon . Nauunawaan ang bisa ng wika sa regulatoryonh pangkomunikasyon.
May limang halimbawa ng Regulasyon o batas. Ikalawa ay ang Batas ng Republiko. Pangatlo ay Ordinansa at ito ay batas na ipinapatupad sa mga probinsya, siyudad, at munisipyo. Kasunod ay Polisiya na kung saan isa itong desisyong ipinapatupad sa isang organisasyon, ahensiya, o kompanya. At ang pang huli ay Patakaran at Regulasyon.
- Aralin 3 : Interaksiyonal
Bahagi ng ating sosyal na pamumuhay ang pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha. Batid namin na ang Interaksiyonal ay bumubuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan, o kakilala.
Dalawahan, grupo, o maramihan ang mga halimbawa ng Interaksiyonal sa Internet. Sa dalawahan ang Email ay personal na mensahe. Sa Grupo naman ay group chat at forum. At sa maramihan ay sociosite at online store. Hindi matatawanan ang popularidad ng social media. Anumang edad o kalagayan sa buhay ay nasasaklawan nito.
- Aralin 4 : Personal
Ang natutunan namin sa aralin na ito ay ang personal ay nagmula sa salitang personalidad. Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sarili at anumang pansariling layunin. Kaakibat ng personal na nagpapahayag nang pasalita man o pasulat. Ang selfie ay ang pagkuha ng larawan ng iyong sarili.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay "nakasulat sa karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay". Ang malikhaing sanaysay naman ay naglalaman ng sariling pananaw ng may akda. Ilan sa mga halimbawa na alam namin ay biograpiya, sanaysay, at blog. May bahagi rin ang sanaysay at ito'y panimula, katawan, at wakas.
- Aralin 5 : Imahinatibo
Natutunan rin namin ang Imahinatibo ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at pag-aliw. Ilan sa mga gamit halimbawa ng daluyan ng imahinasyon ay blog at wattpad. Inilalarawan ng imahinatibong panitikan ang iba't ibang anyo ng panitikan kabilang ang pantasya, mito, alamat, kuwentong-bayan, at siyensiyang piksiyon.
Batid namin na ang siyensiyang piksiyon ay mga panitikan ng tao na dumaranas ng pagbabago, maaaring ito'y sa pamamagitan ng siyentipikong pagtuklas. Ang siyensiyong piksiyon rin ay isang kategorya ng piksiyon na mayroong imahinasyong nalalaman. Ilan sa mga halimbawa na alam namin ay Star Wars at Harry Potter.
- Aralin 6 : Heuristiko at Representatibo
Batay sa natutunan namin ang Heuristiko ay isang tanong at sagot, pag-iimbestiga, at pag-eekspirimento. Samantala, ang Representatibo ay ang paglalahad ng datos, impormasyon, at kaalamang ating natutunan o natuklasan. May apat na yugto sa maugnaying pag-iisip ito ay ang Paggamit ng Sintido-Kumon, Lohikal na Pag-iisip, Kritikal na Pag-iisip at Maugnaying Pag-iisip.
Batid namin na ang PPT o PowerPoint presentation ay isang paraan ng paglalahad ng impormasyon. May mga pananda rin para sa kohesyong gramatikal ito ay Anapora na kung saan una ang pangngalan kasunod ang panghalip, Ikalawa ay Katapora na kung saan una ang panghalip kasunod ang pangngalan, tapos pangatnig, at ang panghuli ay pananda.
YUNIT III : MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS
Aralin 1 : Wikang Filipino at Mass Media
Ang aming natutunan sa araling ito ay ang Pangmasang Media, Pangmadlang Media o mas kilala sa tawag na Mass Media ang tawag sa pinakamaimpluwensiyal at masasabi ring pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan. Ang mass media ay isang institusyong panlipunan tulad ng pamilya, paaralan, simbahan,
at pamahalaan na ang natatanging tungkulin ay maging tagapagbantay, tagamasid, taga-ulat ng
mga pangyayari sa lipunan, maging tinig ng mamamayan, at tagapaghatid ng mensahe sa kinauukulan. Ito rin ay isang malaking industriya. Samakatwid, isa itong malaking negosyo. Kumikita rin ito sa pamamagitan ng mga patalastas. Ang Radyo ay isa sa pangunahing ginagamit noon dahil pinakamurang kasangkapan sa bahay.
May apat na uri ang palabas ito ay ang Tanghalan/Teatro, Pelikula, Telebisyon, at Youtube. Ang tanghalan ay ay isang palabas na umaarte ang mga tauhan. Pangalawa, ay ang pelikula ito ay napapanood sa sinehan at tinatawag ring motion picture o mga larawang gumagalaw. Pangatlo, ay ang telebisyon ang midyum samantalang ang mga programa sa telebisyon ang palabas meron itong iba't ibang uri - Palabas ayon sa kuwento gaya ng teleserye, komediserye, telenovela, pelikula sa telebisyon, at ipa ba, Balita tungkol sa mga pangyayari sa paligid, sa pamahalaan, sa mga artista, serbisyo-publiko at mga dokumentaryo, Variety Show tuwing tanghali at kung linggo, Reality TV Show o Reality TV Gameshow. At ang panghuli ay youtube dahil sa makabagong teknolohiya ng internet , maari na ring manood ng mga palabas sa youtube.
No comments:
Post a Comment